Carmz

my thoughts, my dreams, my life

Forgive, but not necessarily forget Pebrero 9, 2009

Filed under: life,love,pinoy,relationship,tagalog,taglish — carmzy @ 1:06 umaga

Malapit na naman ang Valentine’s Day. Yung ibang romantiko nag peprepare na ng mga sorpresa para sa kanilang minamahal. Pero ang iba, hindi gaanong maghahanda. May mga pangyayari kasi sa buhay na hindi dapat nangyari. Alam mo yun? Mga pagkakamali o panghihinayang sa buhay. At siyempre, wala namang perpektong tao. Lahat tayo nagkakamali. Sana lang, hindi pa huli ang lahat para maituwid o maisalba ang pagkakamaling ‘yon.

Pero para maituwid yun, saan ka maguumpisa? First thing siguro, is to admit na you made a mistake. Own up to it. Wag ka ng magexcuse ng kung ano ano. Nangyari na, panindigan mo na. Umasa ka na lang na sana…sana makinig yung sasabihan mo. At sana bukas pa ang puso nya para unawain ang naging pagkakamali mo.

Kung halimbawang sa ngayon ay hindi pa sya handang pakinggan ka, ulitin mo na lang siguro. Pero hanggang kelan mo uulit-ulitin? Paano kung sarado na talaga ang puso nya sa pagpapatawad? Hahayaan mo na lang bang magkalimutan na lang kayo? Depende na siguro yan sa humihingi ng tawad. How badly do you want to fix it?

Minsan kahit gaano mo kagustuhang ayusin ang lahat hindi talaga matutupad. Lalo na kung yung isang tao ay may galit pang nananatili sa puso. Without forgiveness, there is no such thing as moving on. At hindi naman porke sinabing forgive, eh ibig sabihin forget na rin. No.

Hindi naman tayo amnesiacs para makalimot na lang. Pero hindi rin pwede yung babalik-balikan mo ang nakaraan. Paano ka makakaabante kung panay ang atras mo? Gawin mo na lang lesson ang nangyari noon. Learn from it, don’t dwell on it.

Madaling sabihin, pero pag ikaw ang nasaktan mahirap talaga.Paano kung sa pagkakataong humingi ng tawad yung nagkamali ay ikaw naman ang nananakit? Ganti ba ito o nagkataon lang? Mas ok sigurong sabihing nagkataon lang. Pero deep inside, parang ganti na rin yun di ba? Dahil alam mo kung paano at gaano ka nasaktan, bakit mo rin gagawin?

Maaring nasira na nga ang tiwala ninyo sa isa’t isa. Pero pwede naman itong ibalik. Kailangan lang talaga ang pagpapatawad. At siyempre, kailangan ang partisipasyon ninyong dalawa. Hindi pwedeng isang tao lang ang magpapaandar ng relasyon. Ipakita mo rin na handa ka ng ayusin ang dapat ayusin, huwag lang puro salita. Madali kasing magsalita, isagawa ang mahirap.

Advertisements
 

It’s not you, it’s me Nobyembre 10, 2007

Filed under: life,pinoy,ramblings,relationship — carmzy @ 1:51 umaga

Paano mo nga ba masasabi sa dati mo ng mahal na ayaw mo na? “It’s not you, it’s me.” Nagamit nyo na ba yan? Some people have used this phrase before. Pero opposite minsan ang message na natatanggap ng other party. They start thinking na it’s them, and not you. In some cases, this might be true.

Mahirap ipaliwanag why and how things changed. Paano ka napunta sa decision na ayaw mo na? Anong nangyari? Bakit nga ba minsan nawawala ang “love” na sinasabi nila. Ibig sabihin ba nun there was never any love involved? Ganun ba talaga ang pag-ibig, naglalaho? Akala ko ba forever?

Kung tatanungin ka na ng partner mo kung anong nangyari. Anong isasagot mo? Alam mo ba kung anong nangyari? Saan ba nagsimula at paano nagsimula ang panlalamig na nararamdaman mo ngayon? Kung ikaw hindi mo masasagot, paano mo pa ipapaliwanag? Minsan naman, alam mo naman talaga ang sagot. Ayaw mo lang tanggapin na ganun ang nangyari.

Iniisip mo kung paano mo sisimulan ang usapan. Mas importante ata kung paano mo tatapusin. Kung pwede nga lang sabihing ayoko na sabay walk out. Kaso hindi, kailangan din kasi ng explanation. Pero kahit anong explanation naman ang gawin mo, hindi agad pumapasok sa utak ng kausap. Minsan kasi shocking sa iba. Samantalang yung iba nag-aabang na pala na magsalita ka.

May mga ganito rin kasi. Parehong nagtitiis at naghihintayan. Ayaw nilang maging responsible sa hiwalayan. Kaya kahit matagal ng gustong kumalas, tiyaga lang. O kaya naman gagawa ng kung anong kalokohan para magkaroon ng rason yung isa na humiwalay na.

Pero bakit mo pa dadagdagan ang sakit na idudulot mo? Mahirap na ngang makipaghiwalay dahil hindi mo na mahal. Huwag mo ng dagdagan ng kagaguhan. Kahit anong hinay ng pag-uusap, kapag hiwalayan ang topic, mahirap talaga.

Hindi naman kasi basta-basta lang ang pakikipagkalas. Pinagiisipan ng husto yan. Kapag napagisipan na, handa ka ba? Kaya mo na bang magsalita without choking? Kaya mo bang panindigan ang magiging desisyon mo? At kapag nasabi mo na, baka naman bawiin mo kinabukasan? Abah eh magisip-isip ka. Siguraduhin mong ito nga ang gusto mo.