Carmz

my thoughts, my dreams, my life

Another hurdle to jump.. Mayo 18, 2008

Filed under: filipino,life,pinoy,ramblings — carmzy @ 1:27 umaga

Hello once again. I can’t believe it’s been 5 months since I last wrote. I’ve been busy getting settled in this town of ours. It hasn’t been an easy transition. And now, another hurdle to jump.

It seems like I’ve been jumping hurdles all my life. Siguro some of you feel this way also. Just when you think you’re doing the right things (finally), everything falls apart. Para bang minsan walang tigil ang problema sa buhay.

I ask myself sometimes, pinaparusahan ba ko? Ganun ba karaming kasalanan ang nagawa ko na walang tigil kong pinagbabayaran? I know, medyo melodramatic hehe. Pero I can’t help but think this way sometimes. Paano ba naman, katatapos lang ng isang problema..ayan may naghihintay na naman.

Pero ganun nga ata ang buhay, full of trials/hurdles that we have to overcome to get to the finish line. It’s His way of building our character. Kaya when i’m doing this self-pity skit, I just remind myself..’huyyy you are much better off than half of the people in this world’.

I begin to count my blessings, each and every one of them. After all, He will not put me through these if I will not prevail. He knows me best. Nangyayari ang mga ‘to para maging mas matatag ako, gaano man kasakit o kahirap minsan and pinagdaraanan ko.

Kaya ko ‘to!

 

It’s not you, it’s me Nobyembre 10, 2007

Filed under: life,pinoy,ramblings,relationship — carmzy @ 1:51 umaga

Paano mo nga ba masasabi sa dati mo ng mahal na ayaw mo na? “It’s not you, it’s me.” Nagamit nyo na ba yan? Some people have used this phrase before. Pero opposite minsan ang message na natatanggap ng other party. They start thinking na it’s them, and not you. In some cases, this might be true.

Mahirap ipaliwanag why and how things changed. Paano ka napunta sa decision na ayaw mo na? Anong nangyari? Bakit nga ba minsan nawawala ang “love” na sinasabi nila. Ibig sabihin ba nun there was never any love involved? Ganun ba talaga ang pag-ibig, naglalaho? Akala ko ba forever?

Kung tatanungin ka na ng partner mo kung anong nangyari. Anong isasagot mo? Alam mo ba kung anong nangyari? Saan ba nagsimula at paano nagsimula ang panlalamig na nararamdaman mo ngayon? Kung ikaw hindi mo masasagot, paano mo pa ipapaliwanag? Minsan naman, alam mo naman talaga ang sagot. Ayaw mo lang tanggapin na ganun ang nangyari.

Iniisip mo kung paano mo sisimulan ang usapan. Mas importante ata kung paano mo tatapusin. Kung pwede nga lang sabihing ayoko na sabay walk out. Kaso hindi, kailangan din kasi ng explanation. Pero kahit anong explanation naman ang gawin mo, hindi agad pumapasok sa utak ng kausap. Minsan kasi shocking sa iba. Samantalang yung iba nag-aabang na pala na magsalita ka.

May mga ganito rin kasi. Parehong nagtitiis at naghihintayan. Ayaw nilang maging responsible sa hiwalayan. Kaya kahit matagal ng gustong kumalas, tiyaga lang. O kaya naman gagawa ng kung anong kalokohan para magkaroon ng rason yung isa na humiwalay na.

Pero bakit mo pa dadagdagan ang sakit na idudulot mo? Mahirap na ngang makipaghiwalay dahil hindi mo na mahal. Huwag mo ng dagdagan ng kagaguhan. Kahit anong hinay ng pag-uusap, kapag hiwalayan ang topic, mahirap talaga.

Hindi naman kasi basta-basta lang ang pakikipagkalas. Pinagiisipan ng husto yan. Kapag napagisipan na, handa ka ba? Kaya mo na bang magsalita without choking? Kaya mo bang panindigan ang magiging desisyon mo? At kapag nasabi mo na, baka naman bawiin mo kinabukasan? Abah eh magisip-isip ka. Siguraduhin mong ito nga ang gusto mo.

 

Vegas vs. Jersey Oktubre 26, 2007

Filed under: life,lugar,pinoy,places,ramblings,tagalog — carmzy @ 8:30 hapon

Ang laki ng pagkakaiba ng Las Vegas sa New Jersey. Heto ang ilan sa kanila:

1. Sa Vegas pag summer, paglabas mo pa lang ng bahay napapaso ka na sa tindi ng init, pero di ka gaanong pagpapawisan kasi dry heat. Sa Jersey naman di gaanong mataas ang temperatura pero napaka humid naman. Katatapos mo lang maligo, pawis na pawis ka na (ang sarap maligo ulit).

2. Sa Vegas, di gaanong marami ang puno (siempre desert daw). Karamihan naman ng mga punong nakatayo na eh full-grown na nung tinanim (instant trees ba). Dito sa Jersey, super dami ng puno. At di lang basta-bastang puno, ang lulusog ha (parang ako)! Minsan nagmumukhang gubat nga kung titingnan mo.

3. Sa Vegas, ang luluwag ng daan. May sarili silang lane ng pakanan at pakaliwa. At ang mga speedlimit ay angkop lang sa dinadaanan mo. Dito sa Jersey, halos lahat ng daan ay dalawang lane lang. Bahala ka sa buhay mo kung kakaliwa ka o kakanan ka. Minsan pipitpitan ka pag ang tagal mong lumiko. At minsan naman ikaw ang pipitpit kasi ang tagal lumiko ng mokong! At ang kanilang speedlimit ay 35, 45, or 50mph lamang. Minsan ka lang makakita ng 65mph sa freeway. Sa mga sidestreets halos lahat eh 35mph. Ok lang din naman ang takbong ganito kasi kadalasan mas mababa pa dito ang takbo mo dahil sa traffic. Sa dami ba naman ng kumakaliwa, eh wala silang sariling lane. Nakakaloka!

4. Sa Vegas, may mga pinipindot ang mga tao kung tatawid sila. At kadalasan naman sinusunod nila yung “walk or do not walk” na senyales. Dito sa Jersey, walang kwenta kung may pipindutin o wala kasi di rin naman sinusunod. Kanya kanya na lang ba, bahala na kung mabangga.

5. Sa Vegas, wala kang makikitang mga squirrel na tumatawid sa daan o bumababa mula sa puno. Dito sa Jersey, sangkatutak ang squirrels (nakakaaliw nga minsan). Isa rin sila sa mga pedestrian na dapat mong pagtuunan ng pansin. Kung hindi naku, madugo ang kalalabasan. Sige ka, ikaw rin ang lilinis ng sasakyan mo.

6. Sa Vegas, Oo may mga tao ring masusungit. Hindi naman ata natin maiiwasan yun. Hindi naman kasi lahat ng tao happy go lucky like me hehehe. Pero dito sa Jersey, ay naku dapat matuto ka ring magtaas ng kilay. Minsan magugulat ka na lang sa kasungitan ng mga tao dito. Napapasang-ayon tuloy ako sa sabi ng iba na masusungit ang mga taga Eastcoast. Pero siempre di naman lahat. Marami ring mabait. Iba nga lang ang arrive ng masusungit dito. Kumbaga, ang lakas ng dating ha!

7. Sa Vegas dati halos bawat weekend pumupunta kami ng casino. Halos lahat kasi ng pasugalan doon ay may kasama na ring kainan, sinehan, bowlingan, sayawan, atbp. Dito sa Jersey, nasa Atlantic City ang mga casino. Medyo malayo sa lugar namin. Mabuti na rin yun, mas matipid at mas konti ang sama ng loob (kapag natalo kasi-kahit $5 lang, nakasimangot na ko). Dito sa Jersey, ibang adventure naman.

8. Sa Vegas, ang pwede mo lang puntahan by driving ay California, Arizona, at Utah rin ata. Pero ang tagal na pagmamaneho yun. Kadalasaan noon sa Cali kami napapadpad. Wala kasing gaanong magawa sa Arizona or Utah. Dito sa Jersey, maraming katabing states at sandali lang ang maneho nandoon ka na sa paroroonan mo. Hilig ko pa namang pumunta sa kung saan-saan (lakwatsera kasi).

9. Sa Vegas, paminsan-minsan may makikita kang snow kapag tag-lamig. Pero bihira lang yun. May mataas na bundok rin doon for skiing or snowboarding (Mt. Charleston). O di ba, skiing ka sa desert. Pero yun lang ang bundok na pwedeng gamitin for skiing or snowboarding. Dito sa Jersey, mas madalas ang snow at mas maraming pagpipilian na lugar kung mahilig kang magski or snowboard or gumawa ng halo-halo  (huwag ka lang papahuli sa mga kapwa mo Pinoy).

Sa Vegas dati ang tirahan ko. Masaya sila noon kasi nandoon ako, pero ngayon medyo malungkot na sila, kinailangan ko kasing lumipat (feeling special daw hehehe). Jersey, malaking pagbabago para sa akin- sana para sa mas ikabubuti ng buhay ko.

Las Vegas, a place where I learned so much. New Jersey, a place where I hope to learn even more.

 

Pagkaing Pinoy Oktubre 25, 2007

Filed under: filipino,food,photos,pinoy,ramblings — carmzy @ 6:36 hapon

Nakakamiss talaga ang pagkaing Pinoy. Lalo na kung nasa ibang bansa ka gaya ko. Kaya tuwing magkakaroon ako ng pagkakataong magluto, putaheng Pinoy agad. Hindi na ata maalis sa dugo ko ang pagiging mapagmahal sa Pinoy food. Gaya na lang ng ulam namin mamayang gabi. Nagluto ako ng mechadong baka at piniritong dalagang bukid. Hindi man ako napakasarap magluto gaya ng iba, may lasa rin naman ang luto ko hehehe. Kapag isda naman kasi ang niluluto, lalo na at prito- huwag lang sunog ayos na!  Ikaw ano ulam nyo mamaya?

dalagang-bukid.jpg    mechado.jpg

Mukha ba silang masarap? Sana nga masarap. Sayang naman ang paghihirap ko para lang makakain ng malinamnam na Pinoy food hehehe. Halika kain tayo!

 

What’s so special about lobster? Oktubre 21, 2007

Filed under: life,pinoy,ramblings,random thoughts — carmzy @ 12:20 umaga

Just got home from dinner at Red Lobster. I don’t get it. Why is lobster so darn expensive? It tastes just like shrimp or crabs really. I know they say it’s more difficult to catch bla bla bla. I really don’t get it.  Why would you pay that much for something that tastes similarly with shrimp! Ahhhhhhh. Never will I order lobster again!

And it’s not about the money. I’d be willing to pay as much if it tasted like nothing else. But NO! Not even worth the money . Forget that. I’ll just have some big juicy steak hehehe. Can you tell I’m not a big fan of seafood except fish???

 

Please lang… Oktubre 19, 2007

Filed under: personal,pinoy,ramblings,random thoughts,tagalog — carmzy @ 11:58 hapon

Bakit ba lahat na lang kailangan mong malaman? Wala na ba akong pwedeng sarilihin? Lahat ba ng bawat detalye sa isip ko sasabihin ko sayo? Bakit, dahil entitled ka? Dahil may karapatan ka?

Yan ang hirap sayo. Ultimo ba naman private thoughts ko? Give me a break naman kahit paminsan minsan lang. Di naman ibig sabihin nun na ayaw ko na sayo o di kita mahal.

May mga bagay talaga minsan na gusto kong ako lang may alam. Di ibig sabihin na may tinatago ako sayo. Bakit lahat ba ng iniisip mo sinasabi mo sa kin? I didn’t think so. So please, cool ka lang. Blog lang to (“,)

 

Isn’t it funny?

Filed under: life,personal,ramblings,random thoughts — carmzy @ 8:19 hapon

Isn’t it funny the way things happen unexpectedly? How did I get here in the first place? This isn’t how I planned my life to be. And all those other thoughts that pop into my head….

I have to keep reminding myself that HE has a plan for me. HE decides what’ll happen next. I’m just here to fulfill that plan.

Ever heard of the saying “Things happen for a reason”? I totally believe in that. Each detail in our lives is there for a reason. Whether it be a person, failure, trial, success, loss, etc. So whenever things don’t go according to plan, I try not to frown.

The keyword being, “try”.  Hey I’m only human. I can’t help it if I get emotional at times. Frowning is just the beginning. Get yourself a box of Kleenex when I’m in this state hehehe. Good thing it only happens once in a while. If not, I’ll become dehydrated from you know what.