Carmz

my thoughts, my dreams, my life

Forgive, but not necessarily forget Pebrero 9, 2009

Filed under: life,love,pinoy,relationship,tagalog,taglish — carmzy @ 1:06 umaga

Malapit na naman ang Valentine’s Day. Yung ibang romantiko nag peprepare na ng mga sorpresa para sa kanilang minamahal. Pero ang iba, hindi gaanong maghahanda. May mga pangyayari kasi sa buhay na hindi dapat nangyari. Alam mo yun? Mga pagkakamali o panghihinayang sa buhay. At siyempre, wala namang perpektong tao. Lahat tayo nagkakamali. Sana lang, hindi pa huli ang lahat para maituwid o maisalba ang pagkakamaling ‘yon.

Pero para maituwid yun, saan ka maguumpisa? First thing siguro, is to admit na you made a mistake. Own up to it. Wag ka ng magexcuse ng kung ano ano. Nangyari na, panindigan mo na. Umasa ka na lang na sana…sana makinig yung sasabihan mo. At sana bukas pa ang puso nya para unawain ang naging pagkakamali mo.

Kung halimbawang sa ngayon ay hindi pa sya handang pakinggan ka, ulitin mo na lang siguro. Pero hanggang kelan mo uulit-ulitin? Paano kung sarado na talaga ang puso nya sa pagpapatawad? Hahayaan mo na lang bang magkalimutan na lang kayo? Depende na siguro yan sa humihingi ng tawad. How badly do you want to fix it?

Minsan kahit gaano mo kagustuhang ayusin ang lahat hindi talaga matutupad. Lalo na kung yung isang tao ay may galit pang nananatili sa puso. Without forgiveness, there is no such thing as moving on. At hindi naman porke sinabing forgive, eh ibig sabihin forget na rin. No.

Hindi naman tayo amnesiacs para makalimot na lang. Pero hindi rin pwede yung babalik-balikan mo ang nakaraan. Paano ka makakaabante kung panay ang atras mo? Gawin mo na lang lesson ang nangyari noon. Learn from it, don’t dwell on it.

Madaling sabihin, pero pag ikaw ang nasaktan mahirap talaga.Paano kung sa pagkakataong humingi ng tawad yung nagkamali ay ikaw naman ang nananakit? Ganti ba ito o nagkataon lang? Mas ok sigurong sabihing nagkataon lang. Pero deep inside, parang ganti na rin yun di ba? Dahil alam mo kung paano at gaano ka nasaktan, bakit mo rin gagawin?

Maaring nasira na nga ang tiwala ninyo sa isa’t isa. Pero pwede naman itong ibalik. Kailangan lang talaga ang pagpapatawad. At siyempre, kailangan ang partisipasyon ninyong dalawa. Hindi pwedeng isang tao lang ang magpapaandar ng relasyon. Ipakita mo rin na handa ka ng ayusin ang dapat ayusin, huwag lang puro salita. Madali kasing magsalita, isagawa ang mahirap.

Advertisements
 

11 Responses to “Forgive, but not necessarily forget”

  1. h3rb78 Says:

    sa parte na kung gumaganti ba or nagkataon lang, malay mo nagkataon lang. Hindi naman mahirap magpatawad. Tulad ko, madali sakin ang magpatawad siguro lang kung masakit ang nakaraan marahil hindi pa naghihilom ang sugat. Or marahil ang nakaraan ang nagbigay ng ibang kahulugan sa buhay.

  2. foobarph Says:

    err.. carmz, serious mode ka ata? ^^ may ka-date ka na ba? ^^

  3. foobarph Says:

    kng ikaw carmz ang ka-date, hindi gastos yun. ^^

  4. gigi Says:

    minsan akala ko ako lang ang nakakaramdam ng sakit, pero nung mabasa ko sulat mo, hindi pala. totoo, napakahirap tanggapin na aalis na ang mahal mo, ang iisang lalaki na nailaman ng puso for 9 years + 3 years married, now all of asudden, di ka na kayang mahalin. kahit pa sabihin na may anak na kayo. Life is unpredictable, nothing is permanent. The only permanent love that i know right now is my love for my kids.
    and i am so blessed that I have them around me all the time, my strengt,my life my hope……

  5. may kalungkutan itong post na ito, hope ok n po kyo at meron na bagong kinagigiliwan…

  6. Allencarmz Says:

    Kahit man LNG Sana makausap xa,kahit sa kalarawann man LNG sana,sana makita ko Siya, masakit para sakin dhil mismong kaibigan ko pa ang dahilan para ipagkait sakin ang pagkakaibigan naming dalawa. Tnanggap ko nang maging sila. Nasaktan ako ng sobra we’ve been to a 5yrs relationship,I made a lot of mistakes,I make up and I regret.I love her very much,if only she’ll come back…I guess I’m dying waiting for her.. Oh God take away my griefing..how can I forget?how to move on? I tried everything for three years para makalimut but til’ now,I’m still hoping her…npkalungkot ko..

  7. Evelyn Says:

    naranasan ko rin ito, at napakahirap makalimot sa nakaraan dahil hindi mo maiwasan na magbalik balik ito sa isaipan mo…. kahit gustuhin mo mang makalimot pero, minsan naiisip mo pa rin ang nakaraan, at sobrang napahirap ibalik ang tiwala mo sa isang tao na alm mong hindi nya magagawa ito sayo, pero nagawa din pla nya….gusto kong makalimot sa nakaraan, pero pano ako magsisimula ulet? Gusto ko ayusin ang pamilya ko, at kalimutan nalng sana ang nakaraan pero nahihirapan pa rin ako.. Khit masakit sa akin ang ginawa ng asawa ko, pero kailangan kong tanggapin para mabalik kmi sa dati ulet.

  8. janjanboy24 Says:

    Nice one!! parang tinamaan ako dun ahh 😀


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s