Carmz

my thoughts, my dreams, my life

It’s not you, it’s me Nobyembre 10, 2007

Filed under: life,pinoy,ramblings,relationship — carmzy @ 1:51 umaga

Paano mo nga ba masasabi sa dati mo ng mahal na ayaw mo na? “It’s not you, it’s me.” Nagamit nyo na ba yan? Some people have used this phrase before. Pero opposite minsan ang message na natatanggap ng other party. They start thinking na it’s them, and not you. In some cases, this might be true.

Mahirap ipaliwanag why and how things changed. Paano ka napunta sa decision na ayaw mo na? Anong nangyari? Bakit nga ba minsan nawawala ang “love” na sinasabi nila. Ibig sabihin ba nun there was never any love involved? Ganun ba talaga ang pag-ibig, naglalaho? Akala ko ba forever?

Kung tatanungin ka na ng partner mo kung anong nangyari. Anong isasagot mo? Alam mo ba kung anong nangyari? Saan ba nagsimula at paano nagsimula ang panlalamig na nararamdaman mo ngayon? Kung ikaw hindi mo masasagot, paano mo pa ipapaliwanag? Minsan naman, alam mo naman talaga ang sagot. Ayaw mo lang tanggapin na ganun ang nangyari.

Iniisip mo kung paano mo sisimulan ang usapan. Mas importante ata kung paano mo tatapusin. Kung pwede nga lang sabihing ayoko na sabay walk out. Kaso hindi, kailangan din kasi ng explanation. Pero kahit anong explanation naman ang gawin mo, hindi agad pumapasok sa utak ng kausap. Minsan kasi shocking sa iba. Samantalang yung iba nag-aabang na pala na magsalita ka.

May mga ganito rin kasi. Parehong nagtitiis at naghihintayan. Ayaw nilang maging responsible sa hiwalayan. Kaya kahit matagal ng gustong kumalas, tiyaga lang. O kaya naman gagawa ng kung anong kalokohan para magkaroon ng rason yung isa na humiwalay na.

Pero bakit mo pa dadagdagan ang sakit na idudulot mo? Mahirap na ngang makipaghiwalay dahil hindi mo na mahal. Huwag mo ng dagdagan ng kagaguhan. Kahit anong hinay ng pag-uusap, kapag hiwalayan ang topic, mahirap talaga.

Hindi naman kasi basta-basta lang ang pakikipagkalas. Pinagiisipan ng husto yan. Kapag napagisipan na, handa ka ba? Kaya mo na bang magsalita without choking? Kaya mo bang panindigan ang magiging desisyon mo? At kapag nasabi mo na, baka naman bawiin mo kinabukasan? Abah eh magisip-isip ka. Siguraduhin mong ito nga ang gusto mo.

Advertisements
 

4 Responses to “It’s not you, it’s me”

  1. idotmatrix Says:

    Basta ang alam ko according sa commercial, “Diamonds are forever.” Hmm…may nabibili kayang diamond sa Baclaran? 🙂

  2. idotmatrix Says:

    Ahihihihi….meron raw…kaso extracted from broken glasses raw…lol;)

  3. S3lv0 Says:

    It’s not you, it’s me… ito ang convenient na sasabihin pag nakikipaghiwalay na ayaw ng nakikipaghiwalay na dagdagan pa ang burden ng hinihiwalayan. Essentially actually sinasabi lang ng phrase na yan na nagbago ako, may problema ako… pero syempre ang di binabanggit dun ay nagbago ako in a way na ayaw ko na sayo… kung ako mas gugustuhin kong sabihin ang dahilan talaga… or kahit di na sabihin ang dahilan or ungkatin pa bakit nagbago. Angmahalaga lang naman ay yung fact na umabot kana sa point na umaayaw ka na.

    Mahalaga pang ungkatin ang mga problema kung nasa point pa na pepwede pang ayusin… pero pag beyond repair na… dedma na lang… its like rubbing salt to injury lang

  4. opticnerve Says:

    it’s not you it’s me.
    para sakin ang ibig sabihin nyan eh youre not the one to blame, like you never changed, but i did. pero i think i’d rather say you and i grew apart. which is true, diba? they might be the same person you thought you fell in love with, pero iba na pala yung gusto mo.

    it’s true what s3lvo says, hindi na importante kung bakit. explaining would just make it hurt more for both parties. wala na, di na pwedeng ayusin, it’s better not to beat the subject to death. pero i guess sometimes it’s the masochist in us?


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s