Carmz

my thoughts, my dreams, my life

Hay buhay! Nobyembre 5, 2007

Filed under: life,pinoy,random thoughts,tagalog — carmzy @ 2:45 umaga

Once upon a time may kakwentuhan ako. Napag-usapan namin ang buhay-buhay. Dumating sa punto na itinanong ko sa kanya “Hindi ka ba minsan nalulungkot?”. Natanong ko to dahil ang kausap ko ay single and still mingling. Medyo nagulat ako sa sinagot nya “It’s lonelier if you’re with someone you don’t love.” 

Nagulat ako hindi dahil sa mali ang sinabi nya. Sa katunayan, totoo yun. Nung sinabi nya yun, medyo napatigil ako. I never expected to hear those words. I guess in the back of my mind i’ve had the same thought.

Minsan dumadating sa punto ng ibang tao na kailangan nilang pumili. Kesyo tumatanda na, pressure ng mga magulang o ano pa mang dahilan. Ano ang pipiliin mo? Magkaroon ng kasama sa buhay kahit hindi mo naman talaga gusto o mahal yung tao O maging single forever? Alin ang mas kaya mong tiisin?

Lahat tayo may kanya-kanyang kwento. Meron sa atin na gustong magkaroon ng pamilya. Ilang anak? Depende na yun. Meron namang iba na wala talagang balak magkaanak. Meron namang iba na may anak na nga, pero iba na ang relasyon sa tatay ng bata o mga bata. Yung iba naman, nagpapasya na magkaanak kahit sino na lang ang tatay. O kaya naman, wala pang anak pero iba na ang lagay ng relationship.

May mga tao namang natatakot na pakawalan ang kung ano mang mayroon sila ngayon; kahit alam nila sa puso nila na hindi sila masaya. Takot na baka mas pangit ang kalalabasan ng buhay nila. Takot na baka mali ang maging desisyon. Takot na baka kung ano ang sabihin ng ibang tao. Takot na baka magkaroon ng pagbabago ang buhay nila, dahil nasanay na sila sa araw-araw na routine. Takot dahil hindi alam kung paano magsisimulang muli. Takot dahil hindi pa handang sagutin ang mga sariling pangangailangan. Takot dahil ayaw makasakit. Takot dahil ayaw ng nag-iisa sa buhay.

May iba namang pilit naghahanap ng makakasama sa buhay. Date here, date there. Kahit sino sige. Malay mo sya na nga* Dahil sa kagustuhang magkapamilya. Dahil sa kagustuhang masunod ang mga kapritso o kaartehan sa buhay. Dahil sa gustong magkaroon ng kasama habang tumatanda. Kahit sino ok lang?

At meron namang iba sa atin na tatandang binata o dalaga. Hindi dahil sa walang mahanap, kundi dahil hindi raw naghahanap. Ang dahilan? Sakit lang daw sa ulo. Magastos. Madrama. Gusto ng habambuhay na kalayaan. Ayaw ng minamanduhan. Hindi people person. Etc.

Buhay nga naman. Ang hirap uriratin minsan. Kanya-kanyang disenyo, kanya-kanyang diskarte, kanya-kanyang kwento.

Advertisements
 

7 Responses to “Hay buhay!”

  1. y Says:

    hi, totoo yung sinabi mo. nasa relasyon akong maganda sana ang takbo dahil parehong maganda na ang estado namin sa buhay, anim na taon na kami, pero nung malapit na kaming ikasal biglang, omg, hindi ko pala sya mahal. at hindi rin pala ako masaya sa buhay ko. so iniwan ko lahat at nagsimula ulit. and despite it being terribly difficult i’m so happy na hindi ko tinapon yung buhay ko nang ganon na lang. that was the point in time i would always think back to, and if i just doubted or blinked i would have made the wrong decision. sometimes just because it’s easy doesn’t make it right. we only live this life once, why would we want to get caught in a cage of our own making?

  2. carmzy Says:

    Wow bilib naman ako sa tapang mo. Pero totoo ka dyan, di porke madali eh tama. Yung mga tama nga ang mas mahirap gawin. Buti na lang ang lakas ng loob mo. Good for you ha!

  3. idotmatrix Says:

    Boring ang life pag walang challenges. I like challenges and risks. I am not a very religious person but I do believe that there’s someone out there (si ET nakatitig sa kin lol*) powerful and beyond our understanding and I think He will not give us any challenges or problems or anything like that in our lives if He thinks we cant handle it. At saka, if you are not really happy with any relationship you’re in or anything like that, why suffer? Learn to live life to the fullest, enjoy simple pleasures in life and be open-minded. C’est la vie! Oy French….

  4. menggay Says:

    pADAAN po 🙂 totoO yaN at dumating na rin ako sa bahaging yan magulo di ko alam ang kong anong disisyOn sa buhay ang bubuuin at uumpisahan ko, ayoko mag asawa pero gusto ko mag ka anak,. Sa ngayon diko masabi masaya oH malungkot ang buhay ko pero Go lang…

    AJa!!! heheheh

  5. S3lv0 Says:

    Ain’t it lonelier if you can’t have someone you love?

  6. foobarph Says:

    “It’s lonelier if you’re with someone you don’t love.”

    – what the heck… pinalungkot mo naman ang araw ko. hmpf! -_-


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s