Once upon a time may kakwentuhan ako. Napag-usapan namin ang buhay-buhay. Dumating sa punto na itinanong ko sa kanya “Hindi ka ba minsan nalulungkot?”. Natanong ko to dahil ang kausap ko ay single and still mingling. Medyo nagulat ako sa sinagot nya “It’s lonelier if you’re with someone you don’t love.”
Nagulat ako hindi dahil sa mali ang sinabi nya. Sa katunayan, totoo yun. Nung sinabi nya yun, medyo napatigil ako. I never expected to hear those words. I guess in the back of my mind i’ve had the same thought.
Minsan dumadating sa punto ng ibang tao na kailangan nilang pumili. Kesyo tumatanda na, pressure ng mga magulang o ano pa mang dahilan. Ano ang pipiliin mo? Magkaroon ng kasama sa buhay kahit hindi mo naman talaga gusto o mahal yung tao O maging single forever? Alin ang mas kaya mong tiisin?
Lahat tayo may kanya-kanyang kwento. Meron sa atin na gustong magkaroon ng pamilya. Ilang anak? Depende na yun. Meron namang iba na wala talagang balak magkaanak. Meron namang iba na may anak na nga, pero iba na ang relasyon sa tatay ng bata o mga bata. Yung iba naman, nagpapasya na magkaanak kahit sino na lang ang tatay. O kaya naman, wala pang anak pero iba na ang lagay ng relationship.
May mga tao namang natatakot na pakawalan ang kung ano mang mayroon sila ngayon; kahit alam nila sa puso nila na hindi sila masaya. Takot na baka mas pangit ang kalalabasan ng buhay nila. Takot na baka mali ang maging desisyon. Takot na baka kung ano ang sabihin ng ibang tao. Takot na baka magkaroon ng pagbabago ang buhay nila, dahil nasanay na sila sa araw-araw na routine. Takot dahil hindi alam kung paano magsisimulang muli. Takot dahil hindi pa handang sagutin ang mga sariling pangangailangan. Takot dahil ayaw makasakit. Takot dahil ayaw ng nag-iisa sa buhay.
May iba namang pilit naghahanap ng makakasama sa buhay. Date here, date there. Kahit sino sige. Malay mo sya na nga* Dahil sa kagustuhang magkapamilya. Dahil sa kagustuhang masunod ang mga kapritso o kaartehan sa buhay. Dahil sa gustong magkaroon ng kasama habang tumatanda. Kahit sino ok lang?
At meron namang iba sa atin na tatandang binata o dalaga. Hindi dahil sa walang mahanap, kundi dahil hindi raw naghahanap. Ang dahilan? Sakit lang daw sa ulo. Magastos. Madrama. Gusto ng habambuhay na kalayaan. Ayaw ng minamanduhan. Hindi people person. Etc.
Buhay nga naman. Ang hirap uriratin minsan. Kanya-kanyang disenyo, kanya-kanyang diskarte, kanya-kanyang kwento.
Kamakailang puna