Carmz

my thoughts, my dreams, my life

Forgive, but not necessarily forget Pebrero 9, 2009

Filed under: life,love,pinoy,relationship,tagalog,taglish — carmzy @ 1:06 umaga

Malapit na naman ang Valentine’s Day. Yung ibang romantiko nag peprepare na ng mga sorpresa para sa kanilang minamahal. Pero ang iba, hindi gaanong maghahanda. May mga pangyayari kasi sa buhay na hindi dapat nangyari. Alam mo yun? Mga pagkakamali o panghihinayang sa buhay. At siyempre, wala namang perpektong tao. Lahat tayo nagkakamali. Sana lang, hindi pa huli ang lahat para maituwid o maisalba ang pagkakamaling ‘yon.

Pero para maituwid yun, saan ka maguumpisa? First thing siguro, is to admit na you made a mistake. Own up to it. Wag ka ng magexcuse ng kung ano ano. Nangyari na, panindigan mo na. Umasa ka na lang na sana…sana makinig yung sasabihan mo. At sana bukas pa ang puso nya para unawain ang naging pagkakamali mo.

Kung halimbawang sa ngayon ay hindi pa sya handang pakinggan ka, ulitin mo na lang siguro. Pero hanggang kelan mo uulit-ulitin? Paano kung sarado na talaga ang puso nya sa pagpapatawad? Hahayaan mo na lang bang magkalimutan na lang kayo? Depende na siguro yan sa humihingi ng tawad. How badly do you want to fix it?

Minsan kahit gaano mo kagustuhang ayusin ang lahat hindi talaga matutupad. Lalo na kung yung isang tao ay may galit pang nananatili sa puso. Without forgiveness, there is no such thing as moving on. At hindi naman porke sinabing forgive, eh ibig sabihin forget na rin. No.

Hindi naman tayo amnesiacs para makalimot na lang. Pero hindi rin pwede yung babalik-balikan mo ang nakaraan. Paano ka makakaabante kung panay ang atras mo? Gawin mo na lang lesson ang nangyari noon. Learn from it, don’t dwell on it.

Madaling sabihin, pero pag ikaw ang nasaktan mahirap talaga.Paano kung sa pagkakataong humingi ng tawad yung nagkamali ay ikaw naman ang nananakit? Ganti ba ito o nagkataon lang? Mas ok sigurong sabihing nagkataon lang. Pero deep inside, parang ganti na rin yun di ba? Dahil alam mo kung paano at gaano ka nasaktan, bakit mo rin gagawin?

Maaring nasira na nga ang tiwala ninyo sa isa’t isa. Pero pwede naman itong ibalik. Kailangan lang talaga ang pagpapatawad. At siyempre, kailangan ang partisipasyon ninyong dalawa. Hindi pwedeng isang tao lang ang magpapaandar ng relasyon. Ipakita mo rin na handa ka ng ayusin ang dapat ayusin, huwag lang puro salita. Madali kasing magsalita, isagawa ang mahirap.

Advertisements
 

Another hurdle to jump.. Mayo 18, 2008

Filed under: filipino,life,pinoy,ramblings — carmzy @ 1:27 umaga

Hello once again. I can’t believe it’s been 5 months since I last wrote. I’ve been busy getting settled in this town of ours. It hasn’t been an easy transition. And now, another hurdle to jump.

It seems like I’ve been jumping hurdles all my life. Siguro some of you feel this way also. Just when you think you’re doing the right things (finally), everything falls apart. Para bang minsan walang tigil ang problema sa buhay.

I ask myself sometimes, pinaparusahan ba ko? Ganun ba karaming kasalanan ang nagawa ko na walang tigil kong pinagbabayaran? I know, medyo melodramatic hehe. Pero I can’t help but think this way sometimes. Paano ba naman, katatapos lang ng isang problema..ayan may naghihintay na naman.

Pero ganun nga ata ang buhay, full of trials/hurdles that we have to overcome to get to the finish line. It’s His way of building our character. Kaya when i’m doing this self-pity skit, I just remind myself..’huyyy you are much better off than half of the people in this world’.

I begin to count my blessings, each and every one of them. After all, He will not put me through these if I will not prevail. He knows me best. Nangyayari ang mga ‘to para maging mas matatag ako, gaano man kasakit o kahirap minsan and pinagdaraanan ko.

Kaya ko ‘to!

 

C’est la vie Disyembre 7, 2007

Filed under: filipino,life,personal,random thoughts,taglish — carmzy @ 6:45 hapon

 “Someone may have stolen your dream when it was young and fresh and you were innocent. Anger is natural. Grief is appropriate. Healing is mandatory. Restoration is possible.” — Jane Rubietta (rom Quiet Places)

It’s been a while since I last blogged. Almost a month, based on my archives. Ang daming gumugulo sa isip ko. Could it be because of the holiday season? Di ko alam. This has been a rough year for me.

I’ve gone through things in my life that were firsts for me. And they have affected me a great deal. Pero dapat bang magmukmok ako? Hindi rin. We all go through trials in our lives. I just hope I will be strong and wise enough to tackle those challenges.

That’s life after all. Hindi pwedeng puro saya na lang. Dahil kung puro saya, paano mo malalaman ang difference between joy and pain? And there have been painful moments this year. It made me appreciate the things I used to take for granted.

Pero minsan I still can’t help but feel down. Tao lang naman ako. Masakit mang isipin pero marami rin akong pagkakamaling nagawa sa buhay ko. I just hope na natuto na ako and not repeat history.

It’s time to pick up the pieces and move on. I need to quit dwelling on the past and move on. Ika nga ni Leann Rimes “Life goes on.” And finally, sabi ni Ol’ Blue Eyes “That’s life.” (“,)

 

777 Nobyembre 17, 2007

Filed under: pinoy,random thoughts,tagged — carmzy @ 4:01 umaga

I’m not real familiar with tagging, but I was tagged by Glitch (http://myglitch.wordpress.com/2007/11/09/7-glitch/) . I hope I did this right (“,).

Here are the rules:

  • Mention the person who tagged you and create a link back to them.
  • Pick other bloggers you like to know better.
  • Let them know you’ve tagged them by leaving a comment on their blog.
  • And don’t forget to give them the rules.

Things about me that are related to the number 7:

1. I’ve been with the same man for 7 years now. His first name has 7 letters.

2. My 7 favorite movies are: Silence of the Lambs, Men of Honor, While You Were Sleeping, The Saint, The Green Mile, Sleeping with the Enemy, The Notebook.

3. I was 7 years old when I moved to Manila from Legaspi, Bicol.

4. I lived in Las Vegas for 7 years. Now, I live in a city that has 7 letters.

5. I take Vit. C- 500mg 7 days a week.

6. 7 belongings I love to use: cellphone, laptop, flat iron, palm pilot, T.V. remote control, eyelash curler, crocs

7. One word that will describe me in 7 letters: makulit

Since idotmatrix (http://idotmatrix.wordpress.com/) got me started with blogging, I’m tagging her first.

 

It’s not you, it’s me Nobyembre 10, 2007

Filed under: life,pinoy,ramblings,relationship — carmzy @ 1:51 umaga

Paano mo nga ba masasabi sa dati mo ng mahal na ayaw mo na? “It’s not you, it’s me.” Nagamit nyo na ba yan? Some people have used this phrase before. Pero opposite minsan ang message na natatanggap ng other party. They start thinking na it’s them, and not you. In some cases, this might be true.

Mahirap ipaliwanag why and how things changed. Paano ka napunta sa decision na ayaw mo na? Anong nangyari? Bakit nga ba minsan nawawala ang “love” na sinasabi nila. Ibig sabihin ba nun there was never any love involved? Ganun ba talaga ang pag-ibig, naglalaho? Akala ko ba forever?

Kung tatanungin ka na ng partner mo kung anong nangyari. Anong isasagot mo? Alam mo ba kung anong nangyari? Saan ba nagsimula at paano nagsimula ang panlalamig na nararamdaman mo ngayon? Kung ikaw hindi mo masasagot, paano mo pa ipapaliwanag? Minsan naman, alam mo naman talaga ang sagot. Ayaw mo lang tanggapin na ganun ang nangyari.

Iniisip mo kung paano mo sisimulan ang usapan. Mas importante ata kung paano mo tatapusin. Kung pwede nga lang sabihing ayoko na sabay walk out. Kaso hindi, kailangan din kasi ng explanation. Pero kahit anong explanation naman ang gawin mo, hindi agad pumapasok sa utak ng kausap. Minsan kasi shocking sa iba. Samantalang yung iba nag-aabang na pala na magsalita ka.

May mga ganito rin kasi. Parehong nagtitiis at naghihintayan. Ayaw nilang maging responsible sa hiwalayan. Kaya kahit matagal ng gustong kumalas, tiyaga lang. O kaya naman gagawa ng kung anong kalokohan para magkaroon ng rason yung isa na humiwalay na.

Pero bakit mo pa dadagdagan ang sakit na idudulot mo? Mahirap na ngang makipaghiwalay dahil hindi mo na mahal. Huwag mo ng dagdagan ng kagaguhan. Kahit anong hinay ng pag-uusap, kapag hiwalayan ang topic, mahirap talaga.

Hindi naman kasi basta-basta lang ang pakikipagkalas. Pinagiisipan ng husto yan. Kapag napagisipan na, handa ka ba? Kaya mo na bang magsalita without choking? Kaya mo bang panindigan ang magiging desisyon mo? At kapag nasabi mo na, baka naman bawiin mo kinabukasan? Abah eh magisip-isip ka. Siguraduhin mong ito nga ang gusto mo.

 

Hay buhay! Nobyembre 5, 2007

Filed under: life,pinoy,random thoughts,tagalog — carmzy @ 2:45 umaga

Once upon a time may kakwentuhan ako. Napag-usapan namin ang buhay-buhay. Dumating sa punto na itinanong ko sa kanya “Hindi ka ba minsan nalulungkot?”. Natanong ko to dahil ang kausap ko ay single and still mingling. Medyo nagulat ako sa sinagot nya “It’s lonelier if you’re with someone you don’t love.” 

Nagulat ako hindi dahil sa mali ang sinabi nya. Sa katunayan, totoo yun. Nung sinabi nya yun, medyo napatigil ako. I never expected to hear those words. I guess in the back of my mind i’ve had the same thought.

Minsan dumadating sa punto ng ibang tao na kailangan nilang pumili. Kesyo tumatanda na, pressure ng mga magulang o ano pa mang dahilan. Ano ang pipiliin mo? Magkaroon ng kasama sa buhay kahit hindi mo naman talaga gusto o mahal yung tao O maging single forever? Alin ang mas kaya mong tiisin?

Lahat tayo may kanya-kanyang kwento. Meron sa atin na gustong magkaroon ng pamilya. Ilang anak? Depende na yun. Meron namang iba na wala talagang balak magkaanak. Meron namang iba na may anak na nga, pero iba na ang relasyon sa tatay ng bata o mga bata. Yung iba naman, nagpapasya na magkaanak kahit sino na lang ang tatay. O kaya naman, wala pang anak pero iba na ang lagay ng relationship.

May mga tao namang natatakot na pakawalan ang kung ano mang mayroon sila ngayon; kahit alam nila sa puso nila na hindi sila masaya. Takot na baka mas pangit ang kalalabasan ng buhay nila. Takot na baka mali ang maging desisyon. Takot na baka kung ano ang sabihin ng ibang tao. Takot na baka magkaroon ng pagbabago ang buhay nila, dahil nasanay na sila sa araw-araw na routine. Takot dahil hindi alam kung paano magsisimulang muli. Takot dahil hindi pa handang sagutin ang mga sariling pangangailangan. Takot dahil ayaw makasakit. Takot dahil ayaw ng nag-iisa sa buhay.

May iba namang pilit naghahanap ng makakasama sa buhay. Date here, date there. Kahit sino sige. Malay mo sya na nga* Dahil sa kagustuhang magkapamilya. Dahil sa kagustuhang masunod ang mga kapritso o kaartehan sa buhay. Dahil sa gustong magkaroon ng kasama habang tumatanda. Kahit sino ok lang?

At meron namang iba sa atin na tatandang binata o dalaga. Hindi dahil sa walang mahanap, kundi dahil hindi raw naghahanap. Ang dahilan? Sakit lang daw sa ulo. Magastos. Madrama. Gusto ng habambuhay na kalayaan. Ayaw ng minamanduhan. Hindi people person. Etc.

Buhay nga naman. Ang hirap uriratin minsan. Kanya-kanyang disenyo, kanya-kanyang diskarte, kanya-kanyang kwento.

 

Vegas vs. Jersey Oktubre 26, 2007

Filed under: life,lugar,pinoy,places,ramblings,tagalog — carmzy @ 8:30 hapon

Ang laki ng pagkakaiba ng Las Vegas sa New Jersey. Heto ang ilan sa kanila:

1. Sa Vegas pag summer, paglabas mo pa lang ng bahay napapaso ka na sa tindi ng init, pero di ka gaanong pagpapawisan kasi dry heat. Sa Jersey naman di gaanong mataas ang temperatura pero napaka humid naman. Katatapos mo lang maligo, pawis na pawis ka na (ang sarap maligo ulit).

2. Sa Vegas, di gaanong marami ang puno (siempre desert daw). Karamihan naman ng mga punong nakatayo na eh full-grown na nung tinanim (instant trees ba). Dito sa Jersey, super dami ng puno. At di lang basta-bastang puno, ang lulusog ha (parang ako)! Minsan nagmumukhang gubat nga kung titingnan mo.

3. Sa Vegas, ang luluwag ng daan. May sarili silang lane ng pakanan at pakaliwa. At ang mga speedlimit ay angkop lang sa dinadaanan mo. Dito sa Jersey, halos lahat ng daan ay dalawang lane lang. Bahala ka sa buhay mo kung kakaliwa ka o kakanan ka. Minsan pipitpitan ka pag ang tagal mong lumiko. At minsan naman ikaw ang pipitpit kasi ang tagal lumiko ng mokong! At ang kanilang speedlimit ay 35, 45, or 50mph lamang. Minsan ka lang makakita ng 65mph sa freeway. Sa mga sidestreets halos lahat eh 35mph. Ok lang din naman ang takbong ganito kasi kadalasan mas mababa pa dito ang takbo mo dahil sa traffic. Sa dami ba naman ng kumakaliwa, eh wala silang sariling lane. Nakakaloka!

4. Sa Vegas, may mga pinipindot ang mga tao kung tatawid sila. At kadalasan naman sinusunod nila yung “walk or do not walk” na senyales. Dito sa Jersey, walang kwenta kung may pipindutin o wala kasi di rin naman sinusunod. Kanya kanya na lang ba, bahala na kung mabangga.

5. Sa Vegas, wala kang makikitang mga squirrel na tumatawid sa daan o bumababa mula sa puno. Dito sa Jersey, sangkatutak ang squirrels (nakakaaliw nga minsan). Isa rin sila sa mga pedestrian na dapat mong pagtuunan ng pansin. Kung hindi naku, madugo ang kalalabasan. Sige ka, ikaw rin ang lilinis ng sasakyan mo.

6. Sa Vegas, Oo may mga tao ring masusungit. Hindi naman ata natin maiiwasan yun. Hindi naman kasi lahat ng tao happy go lucky like me hehehe. Pero dito sa Jersey, ay naku dapat matuto ka ring magtaas ng kilay. Minsan magugulat ka na lang sa kasungitan ng mga tao dito. Napapasang-ayon tuloy ako sa sabi ng iba na masusungit ang mga taga Eastcoast. Pero siempre di naman lahat. Marami ring mabait. Iba nga lang ang arrive ng masusungit dito. Kumbaga, ang lakas ng dating ha!

7. Sa Vegas dati halos bawat weekend pumupunta kami ng casino. Halos lahat kasi ng pasugalan doon ay may kasama na ring kainan, sinehan, bowlingan, sayawan, atbp. Dito sa Jersey, nasa Atlantic City ang mga casino. Medyo malayo sa lugar namin. Mabuti na rin yun, mas matipid at mas konti ang sama ng loob (kapag natalo kasi-kahit $5 lang, nakasimangot na ko). Dito sa Jersey, ibang adventure naman.

8. Sa Vegas, ang pwede mo lang puntahan by driving ay California, Arizona, at Utah rin ata. Pero ang tagal na pagmamaneho yun. Kadalasaan noon sa Cali kami napapadpad. Wala kasing gaanong magawa sa Arizona or Utah. Dito sa Jersey, maraming katabing states at sandali lang ang maneho nandoon ka na sa paroroonan mo. Hilig ko pa namang pumunta sa kung saan-saan (lakwatsera kasi).

9. Sa Vegas, paminsan-minsan may makikita kang snow kapag tag-lamig. Pero bihira lang yun. May mataas na bundok rin doon for skiing or snowboarding (Mt. Charleston). O di ba, skiing ka sa desert. Pero yun lang ang bundok na pwedeng gamitin for skiing or snowboarding. Dito sa Jersey, mas madalas ang snow at mas maraming pagpipilian na lugar kung mahilig kang magski or snowboard or gumawa ng halo-halo  (huwag ka lang papahuli sa mga kapwa mo Pinoy).

Sa Vegas dati ang tirahan ko. Masaya sila noon kasi nandoon ako, pero ngayon medyo malungkot na sila, kinailangan ko kasing lumipat (feeling special daw hehehe). Jersey, malaking pagbabago para sa akin- sana para sa mas ikabubuti ng buhay ko.

Las Vegas, a place where I learned so much. New Jersey, a place where I hope to learn even more.